minsan, gusto ko ng magreklamo. gusto ko nang magtampo. gusto ko nang magalit. pero hindi ko magawa. mas umiiral sakin yung pag-iisip na posibleng kahit anong maging reaksyon o nararamdaman ko eh walang maging epekto. kahit sobrang nalulungkot o nagagalit na ko sa nangyayari, ni hindi ko masabi, dahil kung sa normal ko nga lang nararamdaman e wala na silang pakialam. sa dami ng naiisip, napapansin at nakikita ko, minsan hindi ko na talaga alam kung ano pang tamang pakiramdam ang nararapat. :((( hirap! unfair nga ba talaga? o ako ang may problema? :(((